Sabado, Hulyo 16, 2011

Baguhan.

Oo, baguhan pa lamang ako dito sa Blogger. At tingin ko, mas mag-eenjoy ako dito kesa sa Tumblr. Sa Tumblr kasi puro na lang awayan, puro chismisan. Hindi na yun yung Tumblr na nakilala ko, ay oo nga pala. Hindi ang Tumblr ang nagbabago, ang mga tao dun.
Bago ko nga pala makalimutan. Sabi ko sa last post ko sa Tumblr na sasabihin ko ang mga hinanakit dito sa Blogger, at eto na nga. Sasabihin ko na, gusto ko lang sabihin na yung taong minahal ko dati, nagbago na. Sobra, na talaga ang pagbabagong ginawa niya.
Hindi na siya namamansin, basta parang nag-iba na talaga siya. Pero okay lang, lahat naman ng tao nagbabago. Baka nga kasama pa ako sa mga dahilan kung bakit siya nagbabago.
Bakit parang nung nagt-type ako dito, ang tigas ng keyboard? Lol.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento