Sabado, Hulyo 16, 2011

Harry Potter. ϟ

Alam ko, halos lahat fan na fan ng Harry Potter, pero ako? Hindi. Kahit kelan hindi ako naging die hard fan ng isang Harry Potter movie. Pero gusto kong author si J.K Rowling, lol magulo ba?
Nakapanuod ako ng mga episodes, pero hindi ko talaga ma-gets eh. Pake ko ba sa mga magic magic nila. Basta ang akin, mga librong nakakatuwa at nakakpulot ng mga aral, ayos na!
Tulad ni Mr. Bob Ong. Madami na siyang mga librong nagawa, at lahat yun ay may mga sense. Hindi siya masyadong pumatok sa takilya dahil Tagalog nga ang ginamit na salita, pero sisiguraduhin ko sa inyong magugustuhan niyo ang pagbabasa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento