Biyernes, Disyembre 30, 2011

New Year's Resolution.

Kada bagong taon, siguro naman alam nating lahat na dapat bago natin salubungan ito, kailangan lahat ay organisado. Andyan yung magliligpit tayo ng mga gamit, maglilinis tayo ng bahay, at magsusuot tayo ng mga bilog bilog.

Isa na sa mga nakagawian nating mga Pilipino, ang magkaroon ng New Year's Resolution, pero, nasusunod ba ito? Pano kaya natin to masusunod?

New Year's Resolution:
1.) Huwag nang magmura, o maari bawasan ang pagmumura.
2.) Maging matipid para sa mga bibilhin.
3.) FOCUS sa kung anong gusto gawin/tapousin.
4.) Iwasan ang pagiinternet. (Ah ito mahirap.)
5.) Positive lagi.
6.) At higit sa lahat, laging magdasal!

Hindi ako magp-promise na masusunod to lahat kasi diba, mahirap na kapag yung mga pangako'y napapako. Kaya ayun, gagawin ko ang lahat magawa lang ito pero kapag hindi ko magawa, gagawin ko rin. (WHUT?!)

Bakas si 2011.

At eto na naman, matatapos na naman ang isang taon.

Matatapos na naman ang isang taong puno ng kasiyahan, AT kalungkutan. Ano nga ba ang mga bakas ng markang iniwan ng taong 2011? 

Para sa akin, natuto ako i-value ang relationship ng isang magkaibigan. Natuto ako na ang kaibigan ay ang kaagay mo sa buhay mo kung may problema ka, at kung naiisipan mo nang bumigay. Andyan silang tagapayo mo kapag nalulungkot ka, at parati ka nilang pasisiyahin.

Natuto rin ako na, hindi habang buhay ay bata ka. Sa buhay natin kailangan rin natin mag-mature para maintindihan tayo ng mga tao. Hindi habang buhay ay iaasa mo lahat sa magulang mo, sa mga kaibigan mo, minsan kailangan mo rin gawin ito ng magisa para matuto ka.

At ang pinakaimportante sa lahat, ang matutong andyan parati ang Diyos, tumutulong sayo. Kasi dati, humihingi ako sa kanya parati ng mga bagay kung kelan gusto ko lang, ngayong 2011, natuto ko siyang lapitan araw araw at isa siya sa mga taong pinapalakas ang aking loob.

Kayo? Ano nga ba ang iniwan sa inyo ng taong 2011?

Martes, Disyembre 27, 2011

Pagmamadali?

Bakit nga ba may mga taong sabik na sabik magkaroon ng gf/bf sa buhay nila? Bawal bang makontento muna kung anong meron buhay nila. Pwede naman kasi dibang wag muna madaliin ang bagay bagay sa mundo, kasi baka dun sa pagmamadali mong yun, lalo ka pang masaktan.

Tulad na lang ng ibang kabataan ngayong edad 12-14, sabik na sabik magkaroon ng bf/gf, masyadong nagmamadali na para bang katapusan na ng mundo. Inspirasyon? Kadalasan ito yung dahilan ng iba kung bakit gusto nga nilang magkaroon ng gf/bf. 

Una sa lahat, andyan ang Panginoon. Pwede naman siguro nating ialay lahat ng gagawin natin para sa kanya diba? Pangalawa, magulang. Dahil alam naman nila kung ano ang tama at alam nila kung kelan ang tamang panahon para magkaroon tayo ng katuwang sa buhay.

See? Hindi yan sa inspirasyon o kung ano man, may mga tao sa paligid natin na pwede nating gawing inspirasyon, tayo tayo lang talaga ang gumagawa ng ating dahilan dahil gusto nating makuha ang gusto natin, diba?

Linggo, Disyembre 18, 2011

Elijah Lei Dy

Pansin ko lang, post ako ng post tungkol sa iba, sayo pa pala hinde. Patawad na. 

Naalala mo nung Grade 1. Mga baliw pa tayo nun. Yung katabi kita, tapos sinasabi mo yung mga sagot sakin, kaya imbes na ikaw yung napupuri ni T. Edlyn, ako pa kasi ako yung nagrerecite ng mga sagot mo. Ikaw kasi, bata pa lang mapagbigay na. Haha!

Tinuturing kitang best friend, dahil unang una, kapag kailangan kita, sincere ka kausap. Hindi ka yung tipong hinahayaan na lang akong ako mismo yung lumutas sa problema ko, nagoopen-up ka din at shinashare mo yung mga problema mo.

Bagamat (naks) hindi tayo parati naguusap sa school, kasi nga parati mo kasama si JL, alam kong mabait ka parin at hindi mo kami hahayaan na matalo kami o mapabagsak ng mga problemang bumabagabag samin.

The best part sayo ay yung pagiging mapagbigay mo, advice-maker, at higit sa lahat, kaibigang matatawag mo nga naman. Hindi ka lang matalino, mabait ka pa. 

Alam kong kulang 'tong post na to sa kabutihang ginawa mo, pero sa lahat lahat na yong mga ginawa, nagpapasalamat ako sayo bilang isang kaibigang masasandalan ko kapag may mga problemang bumabagabag sa aking isipan.

Thanks for sharing your thoughts!

Iyakin?

Buong buhay ko, wala pang nagpapaiyak sakin, hindi naman dahil hindi ako marunong umappreciate, siguro ibang iba lang talaga ang lalake sa mga babae. Hindi kasi iyakin yung mga lalake, pero meron, diko lang alam kung lalake talaga yung tunay.

Unless nalang paluin ako ng Mommy ko, o ng Daddy ko, dun talaga ako iiyak. Pero sa mga letters, o kahit anong bagay na ginawa sakin, kapag sobrang nahulog loob ko dun, iiyak ako. Hindi hagulgol, parang tears of joy lang ganun.

Walang kwentang entry to~ 

Alexandra Louise Pacio Macale

Grabe, 3 years na ang lumipas simula ng makilala kita. Actually, isang beses pa lang kita nakakausap pero, bakit ganun? Nung mga panahong yun hindi ko na-enjoy yung pagiging magkaklase natin, parang binalewala ko lang lahat. 

Sinayang ko yung pagkakataong sana tinodo ko lahat, sana sinabi ko lahat sayo ng hindi ako nagmamakaawang maging kaklase ka. Pero, ayos lang din naman kasi kapag kaklase tayo, wala nang thrill. Parang wala na akong hihintayin sa hapon para dumaan sa classroom namin.

Pinaka dabest na ginawa mo para sakin? Yung binigyan mo ako ng retreat letter. Sobrang nagulat ako nun. Hindi ko talaga inaasahan na isa ako sa mga binigyan mo, sa totoo lang, hindi pa nga tayo medyo close nun kasi may ilangan, pero ginulat mo ako dahil dun.

Sige, hanggang dito lang muna, bukas nalang yung iba, alam kong hindi mo to mababasa, pero ayos lang.



Darby Hummel Samala

Una sa lahat, Hi? Kelan mo nga ba ako ulet huling pinakilig? Diba summer yun? Yung parang parati kitang ka-textmate. Natawa pa nga ako nun nung nag-text ako sayo, tapos sabi mo "Who's this?"  

Di ko talaga alam kung anong meron sayo't tuwing nakakchat kita, parati nalang ako napapasmile. Yung sense of humor mong talaga nga namang ikaw lang ang may taglay. Yung smile mong kahit may sakit ako napapabuti mo ako.

Dati nung meet-up, chance na kitang makita sana nun. Eh kaya nga lang, talagang hindi eh, hindi talaga eh, hahaha. Sobrang excited ako nun. Kasi, akala ko talaga makikita ko na yung bestpren ko. Pero, wala, talagang hinde pwede dahil maraming mga ginawa pa.

Yung mga webcam natin, ikaw yung parating nagyayaya. Tapos, yung mga tampuhan natin. Yun talaga yung pinakanamimiss ko eh, kasi bukod sa hindi kita matiis, hindi rin ako matulog dahil may bumabagabag sa utak ko na parang hindi ko kakayanin hindi tayo magkabati sa iasng araw.

Ngayong Christmas, gusto ko sana magsorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan, yung mga asaran satin sa Tumblr, or yung mga nagalit ako sayo na wala naman talagang kwentang rason. Sana magkita tayo balang araw.