Una sa lahat, Hi? Kelan mo nga ba ako ulet huling pinakilig? Diba summer yun? Yung parang parati kitang ka-textmate. Natawa pa nga ako nun nung nag-text ako sayo, tapos sabi mo "Who's this?"
Di ko talaga alam kung anong meron sayo't tuwing nakakchat kita, parati nalang ako napapasmile. Yung sense of humor mong talaga nga namang ikaw lang ang may taglay. Yung smile mong kahit may sakit ako napapabuti mo ako.
Dati nung meet-up, chance na kitang makita sana nun. Eh kaya nga lang, talagang hindi eh, hindi talaga eh, hahaha. Sobrang excited ako nun. Kasi, akala ko talaga makikita ko na yung bestpren ko. Pero, wala, talagang hinde pwede dahil maraming mga ginawa pa.
Yung mga webcam natin, ikaw yung parating nagyayaya. Tapos, yung mga tampuhan natin. Yun talaga yung pinakanamimiss ko eh, kasi bukod sa hindi kita matiis, hindi rin ako matulog dahil may bumabagabag sa utak ko na parang hindi ko kakayanin hindi tayo magkabati sa iasng araw.
Ngayong Christmas, gusto ko sana magsorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan, yung mga asaran satin sa Tumblr, or yung mga nagalit ako sayo na wala naman talagang kwentang rason. Sana magkita tayo balang araw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento