Bakit nga ba may mga taong sabik na sabik magkaroon ng gf/bf sa buhay nila? Bawal bang makontento muna kung anong meron buhay nila. Pwede naman kasi dibang wag muna madaliin ang bagay bagay sa mundo, kasi baka dun sa pagmamadali mong yun, lalo ka pang masaktan.
Tulad na lang ng ibang kabataan ngayong edad 12-14, sabik na sabik magkaroon ng bf/gf, masyadong nagmamadali na para bang katapusan na ng mundo. Inspirasyon? Kadalasan ito yung dahilan ng iba kung bakit gusto nga nilang magkaroon ng gf/bf.
Una sa lahat, andyan ang Panginoon. Pwede naman siguro nating ialay lahat ng gagawin natin para sa kanya diba? Pangalawa, magulang. Dahil alam naman nila kung ano ang tama at alam nila kung kelan ang tamang panahon para magkaroon tayo ng katuwang sa buhay.
See? Hindi yan sa inspirasyon o kung ano man, may mga tao sa paligid natin na pwede nating gawing inspirasyon, tayo tayo lang talaga ang gumagawa ng ating dahilan dahil gusto nating makuha ang gusto natin, diba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento