'Cause if one day you wake up, and find that you're missing me. And your heart starts to wonder where on this Earth I could be? Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet. And you see me waiting for you, on the corner of the street.
Isa ako sa mga taong hindi talaga titigil hanggat hindi ako pinapansin ng crush ko, at hindi matiis yung crush kapag hindi nagc-chat. Kaya ako gumagawa parati ng first move, at ako na rin yung pagod na pagod bumuhay ng chat namin. Pero hindi naman parati, kasi minsan siya yung bumubuhay or nagtatanong.
Ano nga ba ang crush? Para sa akin, hindi lang naman ito simpleng paghanga, edi kapag hinahangaan mo mommy mo dahil magaling siya sa isang bagay, crush mo na agad? Crush syempre is may iba kang nararamdaman sa pertikular na taong gusto mo.
Marami rami narin akong naging crush. Lagpas ata sa bilang ng daliri, pero ni isa walang nagkagusto sakin. Malungkot? Hinde ah, ayos lang. Tanggap ko na ang sarili ko, kanya kanyang kamalasan lang yan. Ayoko rin manligaw, kasi takot akong mareject ng isang tao, alam mo yun? Parang, may awkwardness na.
So ayun, ang payo ko lang is:
Kung di ka pa handa, wag mong madaliin, marami pang iba diyan. Wag mong ipagsiksikan yung sarili mo sa taong walang ginawa kundi saktan yang puso mo. Kasi baka sa pagmamadali mo, MAS lalo ka pang masaktan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento